Biyernes, Setyembre 9, 2011

If she sees how much I'm hurting, she'll take me back for sure.

I wanted words but all I heard was nothing.
Magtatagalog muna ako, kasi 'di ko alam kung pa'no ako magkekwento tungkol dito. Kasi maski ako hindi ko naiintinihan.
Kasi, may dalawa akong kaibigan. Mahal ko 'yung dalawang 'yun, and truth is, kaya kong mabuhay nang sila lang ang kasama ko. Alam mo 'yun, yung infinite moments kapag kasama mo sila, yung mga panahong tawa ka lang ng tawa ng tawa hanggang 'di ka na makahinga. Ganoon kami lagi. Lokohan, basagan, kadalasan ako basag. Korni daw ako eh. Hahaha.
Ayun, pero kahit ganun kami, exposed kami sa reality. We all know how cruel life is. 'Yun siguro iniba namin sa ibang magkakaibigan. Aware kami sa reality. Nagkakatampuhan lagi, over the silliest things. Katulad ko. Minumoodswing ako lagi. Sa selos minsan. Ewan.
Ayun, si Jaya atska si Khim. Wait, papakilala ko muna sila.

JAYA. 'Yan, iba 'yan. Putang ina, ang talino ba naman? Alam mo 'yun, sobrang well-rounded. Math, matalino. Lahat magaling siya. Galing sa logic. Tapos siya yung tipong kahit di mo pag-aralin 'tas kahit di makinig sa test, ang taas. Tao ba yun? Tapos ang galing niyan sa music, puta nakakainlove pag tumugtog yan ng gitara tas pag narinig mo boses niyan ayyyy shet GG na. Galing talaga eh. Marunong 'din yan magsports. Eh basta lahat alam. Pero kadalasan kasi diyan lang siya naappreciate ng tao. Sa galing niya. Di nila alam, there's more to her than that. Ang sarap niyang kakuwentuhan, grabe. 'Di lang yung tawanan, maski kapag seryoso. Alam mo yun, kahit may mabigat kang dinadala, ikwento mo sa kanya, makakalimutan mo. Ang sarap sabihan niyan ng problema. Siya yung tipong, okay lang yan lang ang reply sa napakahaba mong text, pero gagaan pakiramdam mo. Siya yung tao na nung first year lagi ko kausap sa phone! As in, puyatan talaga tas random lang pag-uusapan, lahat na ata ng childhood memories ko alam niya. As in. Tas pag nagkekwentuhan pa kami nun sa phone bumubulong ako kasi magigising lola ko tas pag natatawa ako bulong din. Galing ko noh. Shet. Basta. There's more to her than what people see. Wait anu daw.
KHIM. Pang-jejemon pangalan, hehehe. Khimberly with an h. Ayan, yan pareho kami sa halos lahat. Nung una, yun yung akala namin. Well, hindi pala. Hindi sa lahat. Sa latter part ng HS life namin napagaalaman na marami kami na pinagkaiba pagdating sa view sa buhay. Sa mga opinyon. Mas pareho sila ni Jaya sa lahat. Boyish. Pero yan. May mahal yan. Si Patrick Malana. Ang bitter nga niyan eh. Tas yang taong yan, matalino rin. Valedictorian eh! Galing noh. Volleyball player din yan. Pareho sila ni Jaya na magaling. Eh di sila na!Baliw tong taong 'to eh, kakaiba, manhid? Not in that way ah, pero manhid. Basta siya, pag nagsorry siya tas di mo tinanggap, bahala ka sa buhay mo. Bahala ka talaga. Masarap din tong kakwentuhan grabe, naaalala ko pa kung pano ko siya laging nakausap nung first year. Dahil sa BOF! Favorite ko siya nun eh siya din, so yun lagi ko siya nilalapitan magkekekwentuhan kami tungkol dun. SIguro kung wala yun wala din kami ngayon. Haaaayyy. Tska ano, bookworm din yan, pareho kami. Pero yan owl yan, di natutulog! Madalinh araw na. Kaya niya pumasok sa school nang di natutulog. Di tao yan eh. Did I mention, kabayo yan?

Ayan. Dalawa sa taong pinahahalagahan ko. Sunod ng nanay tatay ko, sila yun. And I guess mostly sa kanila iikot mga kwento ko dito. Syempre hindi lahat, pero mostly sa kanila. Basta sana di nila malaman tong blog na to. Pero kung malaman man nila, fine.
Basta mahal ko 'yung dalawang 'to.

Sayang 'di laptop ko gamit, di ako makapagpost ng picture, to make this post more dramatic. Sa susunod nalang. Anyway.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento